Dutdutan XII

"itaas mo pa darlin', ipakita mo ang malupet mong wetpaks na tadtad ng dutdut."

kami ay nakipagdutdutan sa world trade center noong biyernes. tignan kung anong mga naganap!

hapi bertdey google

isang maligayang ika-14 na kaarawan google!




google, ikaw ang:

ang lagi kong tinatanungan sa oras ng aking pangangailangan sa kahit anong inpormasyon na aking hinahanap.

ang nagiisang dahilan kung bakit inamag na ang aming mga britannica encyclopedia.

ang tumulong sa akin sa paggawa ng mga proyekto na copy, paste & print - hindi ko naman nabasa at naintindihan.

isang off lang ng safe search at kahit anong ilagay mo sa search ay mapapangiti ka na sa mga resulta lalo na pag nasa image tab ka!

google, isa kang henyo!

justin's space



may gustong bumalik sa spotlight, ang myspace ang isa sa mga noon ay sikat at masasabing pioneer sa social networking sites ay muling magtatangkang bumalik.

sa tulong ni justin biever timberlake, tayo ay inaanyayahan (ulit) ng myspace na subukan ang bago at mas pinasayang site, kung saan pwede ka mag request ng inbitasyon. ang tema ng bagong myspace ay mas tutok sa entertainment at ang itsura ay parang pinaghalong facebook at twitter.

sa pagkakataong ito, kayanin kaya nila? ikaw. sasali ka ba?

panoorin ang introduction video, sa susunod na pahina.

mag-ingat

para sa lahat ng mahilig maginternet.

mag-ingat sa mga sinusulat at pino-post sa facebook, twitter, blog, at iba pang pwedeng sulatan. baka mabiktima din kayo, di nyo lang nalalaman.



anu-ano pa ba ang mga dapat "huwag" (hindi bawal) isulat dito sa internet.

1. mga salitan galit laban sa mga kaaway o mga kinaiinisang tao (halimbawa: amo o employer) baka magulat kayo sa meeting, naka overhead projector pa ang post mo, habang binabasa ng mga tao sa meeting.. "!$@^%#*& amo ko, minanyak na naman si kate... eh patay na patay pa naman ako sa kanya... manyak mo boss! *(&()*(*&^@! ka! 

2. lahat ng kunektado sa trabaho, dahil baka masisante ka ng di mo nalalaman ang dahilan, maraming conflict of interest ang pede mong maisulat at mabasa ng iba, lalo na ng mga katunggali ng iyong opisina.

3. mga importanteng inpormasyon, tulad ng bank statements, pin, passwords, hints at iba pang mga alpha numeric combinations.

Siya si Kate Upton


bakit ba ang ganda ganda mo kate upton?
want to see more of kate?

isang henyo si jun

isang henyo sa sining at agham, lalo na sa pagta-tattoo. siya si jun cha. silipin ang kanyang mga obra.

p.s. gusto ko ng itim at pulang tattoo sa binti ko!

kapatid? kapamilya? kapuso?

magkaano-ano nga ba itong dalawang ito? bakit halos identical ang kanilang itsura?



ilaw sa harap, sa likod, hugis at korte ng salamin, ng pinto, pati na rin ata ang sukat ng gulong. pero panglabas lang ang mga ito, eh anong nasa loob ng mga halimaw na ito? sinong mas halimaw sa kanilang dalawa? ikaw na ang humusga at magkumpara sa dalawa.

modelong jontis

hot mamma  bang hanap mo? eto, isang italyanong modelo na si raffaella fico ang nagpakitang gilas sa pagrampa suot ang mga bikini sa milan fashion week

siya ay bente kwatro anyos at anim na buwan nang buntis. kagigil!


gwardiyado

wahhhhhh! nooooooohhhh!

padutdot




makikipagdutdutan kami ni esmi sa biyernes! yahoo!

eto, astig na biomech(ish) tattoo!

Sinister Official Red Band Trailer

walo otso eight lapan

celebrating eight wonderful months with my baby, psyrhyxz raine!


ang hiling namin sa iyo oh anak, ay lumaking malusog, matalino, mabait at may takot sa diyos. we love you baby.

Aktibong pamumuhay

siguro ay oras na (ulit) na maging aktibo. bakit? kasi medyo nakakaramdam na ako ng mga sakit sakit lalo na sa aking mga kasukasuan (aka rayuma?!), tumatanda na talaga ako tayo (ayoko solohin ang pagtanda).

sa tingin ko naman ay handa na ako maging aktibo ulit, konting oras lang naman ang dapat ilaan. konting takbo at bisekleta tuwing sabado, linggo at libreng araw. kailangan na rin bantayan ang mga kakainin, mukhang sasabayan ko si misis sa kanyang south beach diet?!

meron na akong bisekletang pambundok na regalo ng aking asawa. pampaliit ng tiyan! ang bait talaga ng asawa ko o sadyang ayaw nya lang makitang malaki ang tiyan ko?! isang beses ko pa lang ito nagamit pang-akyat ng bundok. kaya dapat nang masundan pa! maraming beses!

naternuhan pa ang regalong 'yan neto - merrell waterpro manistee

mahabang istorya kung bakit, pero napilit ko pa rin sya na regaluhan ako. (sapilitan talaga ngayon ang pagreregalo lalo na kapag may asawa na)

at ngayong umaga, napadaan ako sa market market at nakita ko ito sa napakamurang halaga, napa-isip at napilitan tuloy akong bilhin ito - merrell barefoot trail glove

ang sarap sa paa! tila wala kang suot kundi medyas lamang! walang salawal at baro! medyas lang talaga!

kaya ano pang hihintayin ko?! maraming sakit ng katawan dahil sa karamdaman? o 'yong sakit ng katawan na pinagpawisan?



humahabol pa pala ang isa pang aktibong gadget ko, ang sony ericsson xperia active - billabong edition ang malupet na android phone para sa mga aktibopng pamumuhay, waterproof (1m:30mins), dustproof, shockproof, scratchproof, rugged! isang astig na telepono!

masarap ang gising mo kapag...

---ginising ka ng mala panic mode na katok, at sasabihin sa'yo na - "tumataas na naman ang tubig, malapit ng pumasok sa bahay!" ang hinayupak na mga gamit nasa baba, dahil kakapalinis lang ng buong bahay dahil sa mga kalat pa noong nakaraan na pagbaha! ---ano wala na talagang pagbabago?! baka naman mag-evolve na kami sa taong-palaka nito!

halos isang buwan na ang lumipas, hindi pa nga natutuyo ang aming kalsada, puno pa rin ng mga palaka ang estero, eto na naman ang mababangis na pag ulan, ang mabibilis na pagtaas ng mga katubigan sa paligid ng kabahayan! hindi pa nga teenagers ang milyo-milyong butete na isinilang noong nakaraang baha.

litrato kuha noong agosto 13

ang pagbabalik

akin na ulit bubuhayin itong blog na ito para tayo ay may hanap-buhay. abangan ang mga kabuhay buhay at ka-agaw agaw buhay na mga eksena!