Aktibong pamumuhay

siguro ay oras na (ulit) na maging aktibo. bakit? kasi medyo nakakaramdam na ako ng mga sakit sakit lalo na sa aking mga kasukasuan (aka rayuma?!), tumatanda na talaga ako tayo (ayoko solohin ang pagtanda).

sa tingin ko naman ay handa na ako maging aktibo ulit, konting oras lang naman ang dapat ilaan. konting takbo at bisekleta tuwing sabado, linggo at libreng araw. kailangan na rin bantayan ang mga kakainin, mukhang sasabayan ko si misis sa kanyang south beach diet?!

meron na akong bisekletang pambundok na regalo ng aking asawa. pampaliit ng tiyan! ang bait talaga ng asawa ko o sadyang ayaw nya lang makitang malaki ang tiyan ko?! isang beses ko pa lang ito nagamit pang-akyat ng bundok. kaya dapat nang masundan pa! maraming beses!

naternuhan pa ang regalong 'yan neto - merrell waterpro manistee

mahabang istorya kung bakit, pero napilit ko pa rin sya na regaluhan ako. (sapilitan talaga ngayon ang pagreregalo lalo na kapag may asawa na)

at ngayong umaga, napadaan ako sa market market at nakita ko ito sa napakamurang halaga, napa-isip at napilitan tuloy akong bilhin ito - merrell barefoot trail glove

ang sarap sa paa! tila wala kang suot kundi medyas lamang! walang salawal at baro! medyas lang talaga!

kaya ano pang hihintayin ko?! maraming sakit ng katawan dahil sa karamdaman? o 'yong sakit ng katawan na pinagpawisan?



humahabol pa pala ang isa pang aktibong gadget ko, ang sony ericsson xperia active - billabong edition ang malupet na android phone para sa mga aktibopng pamumuhay, waterproof (1m:30mins), dustproof, shockproof, scratchproof, rugged! isang astig na telepono!