mag-ingat

para sa lahat ng mahilig maginternet.

mag-ingat sa mga sinusulat at pino-post sa facebook, twitter, blog, at iba pang pwedeng sulatan. baka mabiktima din kayo, di nyo lang nalalaman.



anu-ano pa ba ang mga dapat "huwag" (hindi bawal) isulat dito sa internet.

1. mga salitan galit laban sa mga kaaway o mga kinaiinisang tao (halimbawa: amo o employer) baka magulat kayo sa meeting, naka overhead projector pa ang post mo, habang binabasa ng mga tao sa meeting.. "!$@^%#*& amo ko, minanyak na naman si kate... eh patay na patay pa naman ako sa kanya... manyak mo boss! *(&()*(*&^@! ka! 

2. lahat ng kunektado sa trabaho, dahil baka masisante ka ng di mo nalalaman ang dahilan, maraming conflict of interest ang pede mong maisulat at mabasa ng iba, lalo na ng mga katunggali ng iyong opisina.

3. mga importanteng inpormasyon, tulad ng bank statements, pin, passwords, hints at iba pang mga alpha numeric combinations.

eh anu-ano naman ang mga "dapat" isulat?

1. ang namumuo mong galit sa gobyerno, (opo, pwede po ito, bakit? dahil ikaw, ako at tayong lahat ang "boss niya!)ang mga boss ang may karapatang magalit, mambatok, mangkalbo, manita, maningil ng utang at kung anu ano pa!

2. mga ka-henyo-hang bagay na alam mo na gusto mong ipamahagi sa iba.

3. imbitasyon na magpapainom at magpapakain ka. ayus na ayos 'to sa mga taong gutom.

anu-ano pa nga ba?