masarap ang gising mo kapag...

---ginising ka ng mala panic mode na katok, at sasabihin sa'yo na - "tumataas na naman ang tubig, malapit ng pumasok sa bahay!" ang hinayupak na mga gamit nasa baba, dahil kakapalinis lang ng buong bahay dahil sa mga kalat pa noong nakaraan na pagbaha! ---ano wala na talagang pagbabago?! baka naman mag-evolve na kami sa taong-palaka nito!

halos isang buwan na ang lumipas, hindi pa nga natutuyo ang aming kalsada, puno pa rin ng mga palaka ang estero, eto na naman ang mababangis na pag ulan, ang mabibilis na pagtaas ng mga katubigan sa paligid ng kabahayan! hindi pa nga teenagers ang milyo-milyong butete na isinilang noong nakaraang baha.

litrato kuha noong agosto 13


hindi pala halos isang buwan, lagpas isang buwan na ang tubig sa kalsada! orgy na naman ang mga palaka! magkakalat na naman ang lamok ng ng sakit, makikihalo na naman sa hapagkainan ang mga bangaw at iiyak na naman kami sa isang sulok at magmumukmok at mananalangin na sana'y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo.

litrato kuha ngayong umaga - setyembre 15

pero ako hindi pagibig ang nararamdaman ko! galit! puot! paghihinagpis! at isang sakong @#$!^%@$ sa mga mukha ng mga hinayupak! sa laki ng kinakaltas niyo sweldo ng mga manggagawa! hindi niyo man lang maiparamdam ang inyong concern sa isang tax payer na tulad ko! sa mga taong yumayaman para sa matuwid na daan! mga taong masarap ang tulog kahit bumabagyo, mga taong nasa loob ng kanilang mansyon! mga taong napapanot na kakaisip ng budget... linisin niyo muna ang mga drainage namin bago 'yong sa tapat ng bahay niyo!

at pati na rin sa mga taong walang utak na kung magtapon ng kanilang mga basura ay kung saan saan na lang, mga taong nakatira kung saan saan na walang iniisip kung hindi ang kanilang kapakanan, ang mga tae nila na derecho sa ilog, mga basura, plastik, condom (e kung marunong sila gumamit non - walang ibang libangan eh), mga tinik ng galunggong, buto ng manok! mga taong galing sa masarap na buhay sa probinsya, dito nakikipagsiksikan at maninirahan na lang kung saan sila pede magtayo ng barong barong. plywood, yero at konting pako, pede na!

sa mga taong tapon dito, tapon doon kahit na may basurahan sa harap! mga taong naninigarilyo sa may no smoking sign! sa mga kupal! sa mga taong palaka!

eto kayo! palaka! walang inatupag kung hindi pakipag orgy! kahit ang iba ay nagkakandarapa na.


---at higit sa lahat, mas masarap gumising kung pag-gising mo, hindi mo pala katabi ang babaeng nasa panaginip mo, pero basang basa ang salawal mo!