ANTI-CYBERCRIME LAW



wala na ba talagang mas importenteng mga bagay na dapat unahing gawin ang gobyerno ng pilipinas para unahin ang ra 10175 o cybercrime law?
maglalaan ng malaking halaga para sa cybercrime law?

bakit hindi unahin ang mga kabataang nagra-rugby sa bawat kanto ng lansangan? mga batang hamog na natututo nang mang snatch, holdap at manakit.

bakit hindi unahin ang mga proyekto na para sa pagpapagawa ng paraan para hindi na laging bumabaha sa amin? mga ilog, estero at kung anu-ano pa na dapat unahing linisin bago ang cybercrime law na 'yan.

eh kung unahin niyo kayang sugpuin ang mga drug pusher na nagkalat? mga illegal na transaksyon, mga buwayang nagpapalake ng bayag? cybercrime law? ra 10175? seryoso?

pano na ang mga mahiyaing magsalita, kahit sa internet, magiging tahimik na lang din ba sila? bawal magyabang, makipagkaibigan, mang-gago sa internet. cybercrime law, anong pinagkaiba mo sa martial law kung pati ang internet na tanging takbuhan ng mga taong hindi naririnig o mga taong ayaw pakinggan, eh ipagbabawal na din.

ako ang boss mo! tigilan mo na ang mga kalokohang ginagawa niyo diyan sa palasyo! umaksyon ng nararapat! tumingin sa paligid, huwag makinig sa mga bulong-bulungan. subukan mong sumakay ng jeep (lalo sa gabi) para malaman mo kung anong dapat unahin.